May 7, 2012 – 1:21 PM | No Comment

Since he came to power nearly two years ago, President Benigno Aquino III has done nothing to lessen or eradicate cases of extrajudicial killings, a militant group said Monday.
According to rights group Karapatan, it was …

Read the full story »
News

Press Release

Statements

Videos

Campaigns

Statements »

Pahayag ng Hustisya sa ika-10 taon ng pagpaslang kay Benjaline “Beng” Hernandez
April 10, 2012 – 5:13 AM | No Comment

Noong ika-5 ng Abril, sampung taon na ang nakaraan mula nang paslangin si Benjaline “Beng” Hernandez, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Karapatan Southern Mindanao Region. Mamamahayag pang-kampus sa Ateneo de Davao University, aktibista at tagapagtanggol ng karapatan.

Ika-5 ng Abril 2002 nang paslangin si Benjaline Hernandez kasama ang tatlo pa sa Arakan, North Cotabato. Ayon sa kanyang autopsy, malapitang binaril si Beng ng mga elemento ng Citizens Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa ilalim ng 7th Airborne Battalion ng 12th Special Forces ng Philippine Army.

Matapos paslangin si Beng, mahigit isang libo pa ang naging biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyon ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Isang dekada na ang nagdaan, patuloy pa ring sumisigaw ng Hustisya ang mga kaanak at mga kaibigan ni Beng Hernandez.

Isa ang kaso ni Beng sa dalawang kasong inihapag ng Karapatan sa United Nations Human Rights Committee (UNHRC) noong 2006. Noong 2010, lumabas ang resolusyon ng UNHRC na nagsasaad na may pananagutan ang gobyernong Arroyo sa pagpatay kay Beng. Bukod sa paglabag sa mga karapatan ni Beng, hindi rin umano ginampanan ng gobyernong Arroyo ang kanilang obligasyon upang papanagutin ang maysala.

Bilang signatory sa International Covenant on Civil and Political Rights, dapat tumalima ang gobyernong Aquino sa resolusyon na papanagutin ang mga maysala sa pagpaslang kina Beng. Ngunit isang buwan matapos lumabas ang resolusyon noong Agosto 2010, napawalang sala pa sa lokal na korte ang akusado sa pagpaslang, si Master Sgt. Antonio Torilla, pinuno ng yunit ng CAFGU na bumaril kina Beng at hanggang ngayon ay aktibo pa sa serbisyo ng Philippine Army.

Magdadalawang taon na mula nang ilabas ng UN ang resolusyon, walang anumang aksyon ang ginagawa ng gobyernong Aquino hinggil sa kasong ito laluna ang pagpapatupad sa mga inihabilin ng UNHRC sa gobyerno ng Pilipinas. Ang dating Commander-in-Chief na si Gloria Macapagal-Arroyo, ay hinayaang magdiwang ng kanyang kaarawan sa private room ng Veterans Memorial Medical Center sa halip na ikulong sa regular na piitan. Ganito tratuhin ng kasalukuyang administrasyong Aquino ang mga dating opisyal ng gobyerno, pangulo man o opisyal ng militar ”dahil sa kanilang dating posisyon sa gobyerno,” ayon na rin kay presidential spokesperson Edwin Lacierda.

Kaya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III, nagpapatuloy ang ”culture of impunity,” sapagkat kung hindi man pinapawalang-sala, nananatiling pugante ang mga pangunahing suspek katulad ni dating Palawan Gov. Joel Reyes sa pagpaslang kay Dr. Gerry Ortega at ni Ret.Maj. Gen. Jovito Palparan, Jr. sa pagdukot at pagtortyur sa dalawang UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.

Ang kawalang hustisya sa ilalim ng gobyernong Aquino ay patuloy na kalbaryo para sa mga pamilya ng mga biktima, kasama ang pamilya ni Beng. Higit lalo naming ikinababahala ngayon ang patuloy na pagdami ng mga biktima ng mga pamamaslang at iba pang paglabag ng karapatang pantao.

Sa ilalaim ng magdadalawang taon pa lamang na panunungkulan ni Pnoy, may naisadokumento na ang Karapatan na 76 na biktima ng extrajudicial killings, kasama na rito ang pagpasalng kay Fr. Fausto ”Pops” Tentorio noong Oktubre 17, 2011, na pinaslang din sa Arakan, North Cotabato, katulad nina Beng Hernandez. Kasama ang pamilya ni Beng, mariin naming kinokondena ang nagpapatuloy na mga pamamaaslang, sapilitang pagpapalikas, ilegal na pang-aaresto, tortyur at iba pang mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng programang kontra-insurhensyang Oplan Bayanihan ni Pnoy, na pinabangong Oplan Bantay Laya ng dating Pangulong Arroyo. Ang mga kontra-insurhensyang programang ito ang mga salot at pahirap sa mga dati nang naghihirap na sambayanan.

Cristina Guevarra
Secretary-General, Hustisya!

Isang dekada na mula nang paslangin si Beng, ngunit nananatiling mas mabigat ang pasanin ng pagkakamit ng hustisya sa ilalim ng gobyernong Aquino. Nananatiling banta’t pasakit ang presensya ng mga militar sa mga baryo sa ilalim ng Oplan Bayanihan, na patuloy na bumibiktima sa mga magsasaka, katutubo pati mga bata. Ito ang nasaksihan ni Beng sa ilalim ng Oplan Bantay Laya ng dating Pangulong Arroyo nang siya ay paslangin ng parehong mga sundalo na ang tingin sa mganagtatanggol sa karapatan ay “kaaway ng estado.”

Ngunit ipinakita ng mamamayan na may sapat itong lakas upang ipaglaban ang ating mga karapatan kahit pa man buhay ay ialay, katulad ni Beng Hernandez at ng marami pang iba. Kaya sa unang dekada ng pagiging martir ni Beng, lalo pang pagtitibayin ng mga biktima at kaanak ang pagkakaisa para ipaglaban ang mga batayang karapatan ng mamamayan.

SUNSHINE
September 21, 2011 – 2:14 PM | No Comment

Simula nang mag-aral, hatid-sundo ako sa eskwela.
Bago umuwi, dumadaan muna kami sa grocery
Para bumili ng pambaon at gamit sa eskwela.

Around 10:05 in the evening of September 2, 2011; Mrs. Adelina Jabinez closed her store, since …

Hustisya Para Kay Dr. Gerry Ortega! Hustisya Para Sa Lahat Ng Biktima Ng Pamamaslang!
August 25, 2011 – 3:19 AM | No Comment

Ang Hustisya (Pagkakaisa ng mga Biktima para sa Hustisya) ay nakikiisa sa pamilya, mga kaibigan at kapwa mamamahayag sa patuloy na paglaban para sa hustisya para kay Dr. Gerry Ortega, pitong buwan mula nang siya …

Palparan, AFP officials still lying, witnesses say “Stop insulting the missing, tell the truth now”
August 3, 2011 – 9:42 AM | No Comment

Days after seeking resolution on the charges filed before the Ombudsman against their captors, torture survivors Raymond Manalo and Oscar Leuterio belied once more the claims made by retired Maj. Gen. Jovito Palparan and other …

Victims of human rights violations and kin join SONA protests today
July 25, 2011 – 9:36 AM | No Comment

“Still no justice, as violations continue”
Reiterating their calls for justice and an end to the reign of impunity, victims of human rights violations and their families will march with different cause-oriented groups along Commonwealth Avenue …

On Karen Empeno’s Birthday, July 22*
July 25, 2011 – 9:31 AM | No Comment

Today, July 22, will be Karen’s birthday. She should be 28 by now. In the past five years, Karen’s family and friends have been celebrating her birthday, not with the usual parties, birthday greetings on …